Tumbang Preso ni: Batch

29 06 2009

Malaki ang pagbabagong naganap sa akin. Pagbabago na hindi ko lubusang maisisp na possible pa lang mangyari. Pagbabgo na nagdulot nng iba’t ibang reaksiyon mula sa taong nakapalibot sa akin. May natuwa at may walang pigtal-lubid pa rin sa pagkutya. Mga taong patuloy na umuusig sa akin g pagkatao.
Wala silang magagawa ito ang aking tadhana.
kasalukuyan akong nakharap sa monitor ng aking laptop ng biglang pumaling sa aking gunita ang nakaraan. Sabay ng pagtalon ko’t paghalakhak sa tuwa ay siya naming pagtilapon ng maliit na lata. Nagsitakbuhan ang aking mga kalaro. Naghalo na ang sipon at pawis at ang sangsang ng amoy nila’y umabot sa kaibuturan ng aking pang-amoy sa tuwing umiiwas sila kapag ako’y mang-huhuli ng sunod na taya. Kahit batd sa pagiging taya, nawiwilio pa rin ako sa aking ginagawa.
Takbo!Taya uli!Pitsa ng tsinelas. Ting! Sabay muling tilapon ng lata.
TAKBO …
HABOL…
TAYA ULI!!
Masay kahit palaging taya. Nawiwili ako kahit ako ang palaging humahabol ng susunod na taya. Kesa naman wala akong makalaro aty hindi ko man lamang maranasan ang tuwang idinudulot DAW! Ng pagiging bata.
Kahit ako’y tuwang-tuwa, may hinanakit pa rin akong kinukubli. Kahit masakit ang salitang pauli-tulit nilang sinsambit sa tuwing hinahabol ko sila. Tinitiis ko iyun. Kahit masakit…kahit nakakapangliit.
‘BAKLA…BAKLA…’
Para sa kanila ito ay katuwaan, ngunit sa tuwing sinasambit nila ang katagang ito ay hindi ko mapigilang magdamdam dahil ang dating ng salitang ito sa akin ay ‘salot’. Pauli-ulit man akong masaktan sa kabiula nito’y gusto ko paring sumay. Kahit papano…kahit pagpapanggap lang…kahit linoloko ko ang aking sarili.
Tanggap ko kung ano ako, maging nang aking mga magulang ngunit hindi kung paano ako itrato ng mga taong nakapaligid sa akin kahit hindi ko naman kaano-ano.
May nahuli na naman ako.
‘TAYA’
May mahuli man ako ang salitang ‘taya’ ay katumbas ng salitang ‘daya’, dahil ako na naman ang hahabol ng susunod na taya kapag tumilapon na naman ang lata.
Lumaki ako sa pangungutiya ng mga tao dahil sa aking kilos. Hindi ko alam kung bakit nila ako ginagwang katuwaan wala naman akong gingawang masama. Ang mga alipuris na bulbuling dila ng mga tsismosa’y patuloy sa paglubid ng buhangin at paghahabi ng mga kwentong balbal na hinigitan pa ‘ata ang mga script nina Topel Lee at Joey Reyes.
‘Siguro dyomoking yang baklang yan…inumaga na naman’
‘Baka humada!’
‘E! gago ka pala e! kapag dyomoking kasama na iyun’
Sa kabilang kanto naman maghihiyawan ang mga grupo ng mga lalaking maton na kasing liit ng mongo ang mga utak. Mga sunog-baga at sunog-bituka na mas masahol pa sa basbas ng pari sa pangalan ng bagong binyag.
‘Ding!tagay naman diyan’
‘Oo nga Kla!’
‘Sige na Chups…’
Ngunit pawing lahat sila patay-0malisya lang ako. Hindi ko sila ka-level at ayaw kong magpakababa para patulan lamang sila, kahit pa ang mga walang galang na mga bata sa tuwing ako’y kanilang nakikita. Gaya ng minsang ako;y muling inumaga sa pag-uwi. Tumama sa akin ang latang pinaglalaruan nila. Ang mga bata imbes na humingi ng pasensiya ay nagwa pang mngutya kung ano ako.
Lahat sila hinahayaan kong magpalahaw at lagukin ang katuwaan. Lantakan na lang nila ang nakaka-durog na pananalita hanggnag sa sila ya ma-umay…hanggang sa sila ay sumuko.
Isang tinig ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Wla pa rin akong maisip na ikatha.
“What are you thinking? I’d better go now. By the way I left Carlisle and Edward at Uncle George’s House.”
Matapos ang malambing na tinig na iyun ay hinagkan niya ako at gumanti ako na ngiti. Alam niya na ang ibig sabihin ng ngiting iyun.habang patuloy ako sa pagtipa ng keyboard ay pauli-ulit ko paring dinidiinan ang ang backspace key. Napahalumbaba ako sa atapat ng monitor. Naghahabi ng mga ideya at naghahagilap ng tamang salita ngunit wala pa rin akong mabuo. Bumalik na naman ako sa nakalipas na mga panahon.
‘TING!!!’
Sa tapat ko’y bumagsaka ang lata. Dinampot ko ta inabot sa nakakaawang taya- ISANG BINABAE. Galling talaga ng kanta nina Alanis Morissete at Beyonce’ no? ‘ISN’T IT IRONIC? o kaya ay DEJA VU ’ Siguro ganun talaga ang papel naming mga ‘ding’ tag-pulot at taga-taya. Taga-pulot ng mga masasakit na salita ng mga lata sa lipunan. Mga latang nalantakan ng kontaminadong kalwang. Tag-taya’t taga-habol ng kapalaran na kahit binabato lamang ay pinagtitiyagan dahil ‘bukas luluhod ang mga tala’ ani ni Mega, at hindi ang ‘bukas luluhod ang mga bakla’
Animo’y hampas ng mabilis na hanginsa ‘sang iglap ay may pumasok sa aking isipan. A! tama! Kakaibang story line iyun. Tama! Natatandaan ko may nakita akong isang lalaking may bitbit na biikat ang title ng gagawin kong indie ay ‘MAMBIBIIK’. Diba parang sequel ng indie na LECHONERO na pinagbibidahan ni Paolo Contis?
Ginanahan ako bigla. At least may ideya na ako. Patuloy ang pagtipa ng aking daliri kahit pa napak-complex pa rin ang dating ng aking istorya. Parang walang patutunguhan. Sabog kung baga. Naisip kong gayahin ang character ng favorite fil kong Foreest Gump at Magnifico. Parang ewan o inonsente lang ang main character pero hitik naman sa kabutihang asal. Danile o Robert ang pinagpipilian kung pangalan niya alinsunod sa crush kong sina Daniel reacliffe a.k.a Harry Pottert at Robert Pattinson a.k.a Edward Cullen pero parang ‘preynjer’ ang atake dapt Piunoy. Pinoy ako e! sige namg Andoy na lang. kung itatanoing niyo kung san ko naman napulot ang pangalang iyun simple lang. sa klasmeyt ko noong high schoolna binasagan kong Maxi-Peel ang kinis kasi nhg mukha e! wala pa rin akong maisip na dapat na ‘flow’ ng story basta nasa pre-writing styage pa lang naman ako e!
TIKTAK…TIKTAK…
Muli na naming bunibigat ang aking talukap. Ngunit hindi ako papadaig. Kahit sabihin pang inaabuso ko ang aking mata di parin naman ako makakatulog, dahil kahit sa pagtulog paniguradong pagiiisipan ko pa rin kung ano ang takbo ng istorya ko. Makikipagbuno ako. Makikipagtagisan sa kadiliman. ‘sang basong kape lang at extra joss lang ang pang-tapat sa buong gabi kong paglalamay. Parang di naman ako sanay sa bente-kwatro oras na straight shooting. Sabi nag sa akin ng aming shot-lister ‘Love for the love’. Diba mala- Florante at Laura ang drama ng aming shot-lister? ’Hahamakin lahat, makamit ka lamang’
Haay….
HAHAHA.napatawa ako biglakahity mag-isa lang ako sa silid na iyun. Kahit na pakiramdam ko daang baton a mula sa Tore ni Babe; ang bumgasak sa aking mala-Great Wall of China na talukap na ayaw padaig sa nang-aakit na talukap.
TIKTAK…TIKTAK…
‘Bakla…baklaaa…’
Bakit ganun paulit-ulit na umaalimpuyo sa aking isipan ang mga salitrang iyun? Bakla na katumbas ng pagiging ‘SALOT’. Bakla na ang dulot ay ‘DAYA’. Ngunit habang patuliy kong iniisa-isang pitsahin ang mga LATANG kinakalawang tila unit-unitng gumagaan ang daang bakal na nagpapabigat sa aking damdamin at nagpapailalim sa kaibuturan ng lupa. Dahi kahit ilang beses nila akong sumbatan ng pagiging ganito ko wala silang magagawa ito na ako. Hindi na ako papalubid pa sa mga pangnungutiya nila sa kin.Taas noon a ako. Isang daliri na konting pitik lamang ay unit-unitng gugupuin ang mala-domino nilang katayuan. May napatunayan na ako sa pagiging ganito ko. Kahit ako’y nagbago ang mahalaga naipakita ko at naibandera ko na sa bansang kinasasadlakan ni Juan Dela Cruz ang aking natamo. Gayunpaman marunong pa rin akong tumingin sa pinanggaligan.
‘a roung of applause and standing ovation’
Paghkat kung hindi dahil sa mga nag-aglahi sa akin sa aking pagiging ‘bakla’ hindi ako matututong mangarap at umangat. Hindi ko makikita ang ‘pot of gold’ sa dulo ng bahgahari. Hindi ko rin matatagouan ang karayom sa kaibuturan ng gintong dayami na itinago ni Rumplestiltskin.
TING!..
May naisip akong idagdag sa karakter ni Andoy. Bakit hindi ko rin ilagay ang sarili ko sa katayuan niya. Parang: FORREST + MAGNIFICO + ME= ANDOY. Gagwin ko ring binabae si Andoy na hotok din sa pangarap. Isang nilalang na kinukutiya at inaalipusta ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Si Andoy na pina-exagge na ako. Ako na natuton ding lumaban sa huli na hindi gumagamit ng dahas. Lumaban gamit ang pangarap. Gamit ang anasang may patunayan sa kanila.pero si Forrest Gump plain lang ang karakter, hindi nagbago ang pagiging inosente niya maliban lang nag natuto soyang umibig. INOSENTE DE TI. Si Magnifico naroon pa rin ang nasang magbago ng buhay ng isang tao kahit sa huling hininga niya. Si Andoy kaya paano ko wawwakasan ang karakter niya? Ano bay an karakter pa palng ni Andoy dinudugo na ako, buong istorya pa kaya?
Nasa kailaliman na akon ng pag-iisip. Maya-maya’y babagsak na naman ang akiong talukap kasabay ng animo’y pagtuka ng aking ulo, sabay bawi agad ng pustura. Patuka-tuka na ako ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng maraming bagay. Kasam na sina Bell, Carlisle at si Edward, ang script, ang aking mga pangarap….haayyy…
Nakikipagbunoi na naman ako sa nakakaakit na kama. Kama na ang dulot ay sarap at kirot. Pero ang nasa ko ngayon sa kaniya ay maipahinga ang kangina pang pagal na katawang lupa. Pero dapat kong matapos ang gingawa ko paano na ang pangarap ko…Nakakaantok na pero kahit story line matapos ko. Yari ako sa producer naming pag hindi ko ito natapos. Tapos na rin ang pangarap klong makalahok sa Cannes Film Festival. Tapos na rin ang ambisyon kong magaya kay Brillante Mendoza na nag-uwi ng Best Director Award sa pelikula niyang Kinatay mula sa nabanggit na prehisteryosong festival.
May tila kuryente ang kumudlit mula sa aking pisngi patungo sa buo kong katawan. Nakaka-kuryente. Nakakapang-init. Nakakapang-gising. Malaki ang naidulot ng halik na iyun sa aking pisngi.
Natatandaan ko pa nang una kaming magkita sa Prague para lumahok sa International Convention ng mga journalist sa buong mundo. Parang love story nina Jinny at Michael sa Koreanovelang ‘It Started with A Kiss’ ang drama namin. Hindi iyun basta halik lang. Para sa akin wala iyung katumbas na yaman. Mas higit pa sa Yamashita Treasure. Grabe ang impluwensiya niya sa akin. Kung baga siya ang gumising sa natutulog na si Adan. Isang halik sa pisngi na hindi sinasadya nang mag-kabungguan kami sa CR. Nadaganan niya ako at ako ang sumalo ng lahat ng bigat niya ng biglang dumampi ang kaniyang labi sa aking kanang pisngi. ‘Serendipity’ siguro ito. Tinadhan ‘ata kami para mag-sama. Tinadhana upang ma-hinuha ko na sa kabila ng pagiging ‘ganito’ ko lalaki pa rin ako nang nilalang. Tinitigasan din. Naakit rin. Nalilibugan. At umiibig rin sa isang French girl- si Bella. Totoo nga kasabihang ‘love found in an unexpected time in an unexpected place.’ Pero wala akong pinagsisihan at pinagmamalaki ko pa rin na minsan din akong naging bakla.
“Why are you looking at me that close Ron my honey?”
“I am thinking of the right ending for my new film”
“Wow! Are you almost done?”
“Hmmm…Actually I haven’t yet finished the whole story concept but I am already thinking of the ending. Isnt that unusualfor a writer? ”
“No. It really happens. But it never happen in reality. We never knew what will be the ending of our story. It is not just a tragic, or melancholic or a happy ending. It is just what will be the ending and for both of us? What do you think?”
“A happy ending. That is why I beg to disagree honey. Having you with Carlisle and Edward for me is a happy ending. Changing me form who I am before and accepting for who I am is creatianly a proof that our story is really, truly and precisely a happy ending… ”
Ang halik mula sa pisngi ay sinakop pati ang aking labi. Marubdob. Nakakapang-akit. Nakaka-hallucinate. Naku masusundan na ata sina Carslise at Edward. Boy or Girl? Bahala na!ang wild talag ni Bella. Wild na may pagka-senswal. Sabik pero puno ng pag-ibig. Unti-unit na naming naarok ang dulo ng Cloud 9. Hindi iyun ganun kadali. Hindi ito gay ng Gawain ng mga kabatan na ang isang oras ay sapat na. minsan nga ang minute ay yos na. QUIKIE ba! Kung kanilang tawagin. Ang amin ni Bella buong magdamg. Bahal na kung wala akoing maipasa sa producer naming bukas. Maiintindihan naman niya siguro ang pangngailangan ko ngayong gabi. Alam niya naman yun siya nga tatlo pa ang kinakam.
Kahit puyat at pagod sa pagbibilog ng muta at paglabas masok ng batuta, hindi pa rin ako makapagpigil na maitipa ang buong story line. Salamat sa gabing nagdaan. Salamat sa mga nakaraan at at nabuo ko na rin ang buong story line.
Si Andoy na isang mambibiik. Walang alam sa mundo kung hindi making sa gintong aral ng kaniyang inay. Marami siyang katanungan, kahit obvious naman na anmg kasagutan. Madlas siyang gawing tampulan ng tukso dahil sa siya ay isang binabae. Madalas din siyang kutyain ngunit patuloy lamang kahit lihim ma masasaktan.
Lagi siyang taya at taga-pulot ng lata tuwing maglalaro sila ng tumbang preso ng mga kalaro niya. Hanap-buhay ng pamilya nila ang pagtitinda ng baboy at madalas ay bitbit niya ang biik at animoy linalako sa sinumang madadaanan.ngunit ang biik na kaniyang lanalako ay mula sa hindi nila tinuturing na pagkakasala. Nahuli ang ama niya na sinasauli ang barakong baboy matapos apakastan ang kanilang inahin. Sinita siya ng may-ari ng baboy. Binugbog hanggang sa malagutan ng hininga. Hindi nakulong ang mga pumatay dahil pumaimbabaw ang salapi.
Dahil sa angkin niyang sipag sa pagtitinda ng biik sa kanto-kanto ay umigi ang buhay nilang mag-ina. Hanggang sa makilala niya ang hindi inaasahang babae na nagpatibok ng kaniyang puso. Natutunan niyang maging isang ganap na lalaki at biyayaan ng dalawang supling. Dahil sa maiigi na ang buhay ay binalik niya ang biyaya sa nangangailangan kasama na ang mga taong pumatay sa kaniyang ama. Bagaman isang inoisente at ignorante sa buhay ay mahal siya ng kaniyang asawa at tanggap siya kung ano siya.

Iba talaga ang nagagwa ng pag-ibig hindi ba? Marahil mukhang tear-jerking ang dating ng kwentong ito dahil medyo ganito rin ang buhay ko. Nagsimula sa pagiging comical, nag-climax sa melancholic at nag nag-end ng masaya.


Actions

Information

Leave a comment